t!Na's tAlEs

TALES
About me.
About you.
About life.

A TALE, A FICTION, A COMBINATION OF WORDS THAT TRY TO MAKE SENSE OF REALITY.
Through these made-up plots, a situation is presented
Through these imaginary characters, a person is revealed
Through their fictional personalities, ourselves have been undressed.
WHO AM I?
WHAT AM I?
What does the character say about me?
And what role do the other characters play in my life?

Friday, June 16, 2006

Susubaybayang KA-I-BI-GAN
Munting serye hango sa talaarawan ni Ian Gabriel
I Ang Barkada

Tao. Napakaraming tao. Napalilibutan kami ng mga tao.
"Kay Gab" ani Joe
Itinaas ko ang aking mga kamay, ikinaway-kaway sa ere, tinatawag ang kanyang pansin. Tumingin naman si Zandro sa akin ngunit hindi man lamang yata siya nagdalawang-isip. Sumugod pa rin siya papasok sa gitna ng mga nagbabantay na manlalaro. Sinubukang ipasok ang bola....

Supalpal.
"Prrrt..."
Wala nang oras. Tapos na ang laro.
68-67
Lamang ang kalaban.
May oras pa sana kung naipasa lang sa akin. Walang bantay, naipasok ko sana ang bola. Iyan ang nasa isip ko. Pihadong iyan rin ang nasa isip ng buong barkada.

Hindi maipinta ang mukha ni Joe. Hindi ito maikakaila ninuman. Napakahalaga ng larong ito sa kanya, sa amin. Dahil sa dalawang puntos na nasayang ay hindi makakapasok ang koponan namin sa championship. Hindi makakasali ang barkada. Puno man ng panghihinayang, kami ay nakipagkamay sa aming mga kalaban na puros puno ng ngiti ang mga labi.


Matapos ang pakikipagkamayan ay diretso kami sa aming bangko.
"Kung pwede lang naman kasing apat lang ang papasok...siguradong pasok na tayo!" ani Joe.
"Man, don't be mad. I was just trying to help, trying to contribute something for our team!" sagot naman ni Zandro.
Nanlilisik ang mga mata ni Joe. Alam ko na ang susunod dito, at upang mapigilan ito, sinubukan kong ilayo si Zandro. Galit rin ako. Pero alam kong wala namang mabuting maidudulot ang pag-aaway.

Hindi ko pa nailalayo si Zandro ay dumating na si Zoey, ang pinsan ng bakasyunistang si Zandro. Isa ito sa mga dahilan kung bakit napilitan ang barkada na isali si Zandro sa koponan. Ang isa pang dahilan ay ang hindi maikakailang higit pa ito sa ibang myembro na aming nakalap para sa liga ngayong taon. Marunong naman siyang maglaro. Hindi ganun kagaling pero pwede na. Kung hindi nga lang sana sa katigasan ng ulo at sa pansariling ambisyon na mapatunyan ang sarili niya sa loob ng court.

Niyakap ni Zoey ang pinsan.
"It's ok..."
"Hey! Please don't be mad at my cousin! He just wanted to prove himself to you guys! Hindi nyo raw sya binibigyan ng pagkakataon." ani Zoey kay Joe.

Upang maiwasan ang awayan o sagutan man, agad nang dinala ng barkada si Joe patungo sa tindahan nila Isa na madalas naming tambyan matapos maglaro ng basketbol.

Unti-unti nang nag-aalisan ang mga tao sa paligid. May mga nagliligpit ng gamit. May mga nagpaandar ng sasakyan. Ang ilan naman ay naglakad na patungo sa sari-sarili nilang destinasyon. Ilang minuto na lang ay isasara na rin ang mga ilaw sa court. Bitbit ang aking gamit, naghanda na rin akong umalis. Ngunit bago iyon, nilapitan ko muna ang magpinsan.

"Hey, Zandro! That's ok. Zoey, pasensyahan mo na lang si Joe. Alam mo naman kung gano kahalaga sa kanya ang makapasok sa champioship."
Tumango na lang si Zoey.
Tumalikod na ako, nagsimulang lumakad upang sumunod sa barkada. Hindi pa ako nakalalayo nang tawagin ako ni Zandro.
"Hey Gab!"
Lumingon naman ako.
"I just hope we can be friends. That's all I really want from you guys that's why I tried to pove myself."
Tumango na lamang ako at tinuloy ang aking paglalakad.

Sa tindahan nila Isa, nakaupo na ang barkada. Si Miklo, si James at ang galit pa ring si Joe. Kausap siya ni Isa.
"Ano ka ba? Laro lang yan. Hindi mo naman ikamamatay yung hindi nyo pagsali sa championship."
"Hindi naman yun lang yun. Ang kinaiinis ko yung pag-slip ng opportunity. Nasa kamay na kaya namin. Tapos dahil lang sa lokong 'insan na yun ni Zoey, nawala ang lahat."
"Pabayaan mo na kasi. Walang kapupuntahan yang paghihimutok mo dyan.
At isa pa, kung hindi siya ang ipinasok nyo, mas wala naman kayong chance dun sa ibang members ng team nyo. Eh di naman pwedeng apat lang kayo."

Tahimik akong umupo at nakisalo sa kanila. Pero sa loob-loob ko'y iniisip ko pa rin kung bakit kailangan pa ni Zandro patunayan ang sarili niya para lang maging kaibigan namin. Hindi naman kami ganun kahirap abutin. Hindi naman kami mahirap kaibiganin.

" Pare! Alam mo ba? Ang balita ko, dito na nga raw muna yan sa Pinas. At ang sabi pa ni Zoey sa akin nung isang araw, sa La Scuola di Colline Verde raw yan papasok." ani Miklo.
"No way, pare! 4th year? Tatanggapin ba yun?
"Hindi ko alam eh. Connections? Or posibleng super talino nun kaya tinanggap na rin nila. Basta ang alam ko inaayos na yung mga kailangan niya eh. "
"Ang lalim na naman ng iniisip mo."
Ako na pala ang kinakausap ni Joe.
"Wala, wala."
"Anong wala ka dyan eh parang hindi ka na nga nakikinig sa 'min. So, anong palagay mo sa pagpasok nun sa LSCV?"
"Palagay ko? Wala lang Marami naman tayong sections so posibleng hindi natin sya maging kaklase."
" Pero kahit na hindi, malamang na makikita pa rin natin ang pagmumukha nun dun."

Hindi pa ako nakakasagot nang marinig namin ang magaang mga hakbang. Tawanan. Kwentuhan. May paparating. Boses ng mga kababaihan.

" Isa!! Oh...hi guys!"

Si Mica ang dumating kasama sina Shane, Grace at dalawa pang kababaihan.
Ngiti. Iyan ang una kong napansing nagbago sa mukha ni Joe. At sa mga mukha rin nila Miklo at James.
"Hi Joe. Sabi ni Zoey you're so frustrated about not getting into the championships. OK lang yan. There's always next year. Besides, there are other games. Malay mo, you'll win sa school nyo."
"Thanks."
"By the way, papakilala ko pala sila sa inyo. This is my cousin Jane. (sabay turo sa magandang mestiza) She'll be here for the mean time, siguro mga one to two years siya magstay sa amin to finish her studies here then sunod na siya sa parents niya abroad. And this is Kylene. Actually one year na siya dito sa 'tin kaya lang ayaw lumabas kaya ayun wala tuloy friends dito... hehe..We're both from Colegio Escolásticola and naging classmates kami last year kaya nalaman ko may isang Kylene pala dito."

Kaya pala...kaya pala pamilyar ang mukha niya sa akin, nakita ko na siya sa kapilya noon.

Itinuloy ni Mica ang pagpapakilala.

"And girlfriends...this is Joe (with matching wink), and these are Miklo, Andre and of course ang crush ng bayan na si Gabriel."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home