t!Na's tAlEs

TALES
About me.
About you.
About life.

A TALE, A FICTION, A COMBINATION OF WORDS THAT TRY TO MAKE SENSE OF REALITY.
Through these made-up plots, a situation is presented
Through these imaginary characters, a person is revealed
Through their fictional personalities, ourselves have been undressed.
WHO AM I?
WHAT AM I?
What does the character say about me?
And what role do the other characters play in my life?

Friday, September 19, 2008

Susubaybayang KA-I-BI-GAN
Munting serye hango sa talaarawan ni Ian Gabriel
III Ang Simula

Fourth year high school. Ito ang taon kung saan nagseseryoso na ang ilan sa kanilang pag-aaral. Mayroon din namang nagwawala dahil nga naman sa mga susunod na taon ay kailangan nang maging mas seryoso. Para sa aming barkada, dapat ay balanse lang. Nag-aaral kami nang mabuti ngunit pinahahalagahan din naman namin ang pakikipagsosyalan at pagsali sa iba’t ibang organisasyon sa paaralan. Ang araw ng Biyernes at Sabado ay aming inilaan para sa aming pagsasama-sama. Minsan ay lumalabas kami para manood ng sine, minsan ay nagpapraktis sa pagbabasketball pero paminsan naman ay tumatambay lang kami sa tindahan. Ang ilang mga sandaling pagtambay ng barkada sa tindahan nila Isa ay ang mga panahong mas nakikilala namin ang mga kababaihan. Si Joe, na parang nagseseryoso na nga sa panililigaw kay Mica, ang siyang madalas na mag-aya na dito na lang tumambay imbis na maglakwatsa at gumasta pa. Ani niya makakasama pa namin ang magagandang dilag na ito.

Dahil sa lingguhang pagtambay sa tindahan na ito ,higit ko ring nakilala ang ilan sa mga babae tulad nina Jane at Kylene. Minsan nga lang ay may hadlang sa pagiging malapit ko sa kanila. Hindi ko maidikit ang sarili ko kay Jane dahil puros tuksuhan na naman ang kalalabasan noon. Ayaw ko namang umabot kami sa puntong mag-isip na ito nang ibang kahulugan sa aking mga kilos at galaw at umasa sa pag-ibig na hindi ko naman siguradong maibibigay sa kanya. Hindi rin naman ako mabigyan ng pagkakataong maging sobrang malapit sa ibang kababaihan dahil lagi rin silang niloloko na may magseselos daw. Ang kabataan nga naman talaga. Dahil dito, kinukuntento ko na lang ang aking sarili sa minsanang pagkikipag-usap. Ngunit kahit hindi man kami magpalitan ng mga pangungusap ay nakikilala ko rin naman sila sa kanilang pakkitungo sa ibang mga tao.

“O Gab! Sino ang isasama mo sa prom?” Tanong ni Joe.

Oo nga pala. Tila ay nawala na ito sa isip ko. Isang buwan na nga lang pala ang natitira at magaganap na ang gabing pinakahihintay ng lahat. Ito ang gabi kung saan legal na makakasama ng mga kalalakihan ang mga kababaihang pinapangarap nilang makasama, lalo na makasayaw pa. Napaisip tuloy ako. Kailangan ko ba talagang may isama?

“Ano ka ba naman? Bakit hindi mo ayain si Jane?” sabay palo sa aking likod.

***********************************************************************

Sabado.
Papunta ako sa court para maglaro ng basketball. Alam kong naghihintay na doon ang grupo. Kung sinuswerte ang mga lalaki, maaaring nanonood din ang mga babae ngayon. Ilang metro na lang ang layo ko sa court nang may tumawag sa akin.

“Hey man!” sigaw ni Zandro, sabay palo sa may balikat ko.
“Hey!”
“So who are you taking to the prom?”
“I’m not yet sure, what about you?”

Sinagot niya ako ng katahimikan at malalim na pag-iisip.

“Hey, hey, hey…” sabi ko sa tonong nang-aasar, “You have someone in mind, don’t you?”

Nginitian niya lang ako.

“Hey, I’m not pushing you to tell me or what, but we’re friends and anytime you need help, I’m just here.”
“Yeah, I know that, asking for your help has actually crossed my mind but I guess I want to do the asking myself.”
“Oh sure. Go for it man! May I know who?”
“Hmm…I’ll tell you some other time.”
“Parang dati mo pa balak ishare sa akin yan ah…sabihin mo na!”

Umupo kami sa bangko dalawang metro ang layo sa bangko kung saan nakalagay ang gamit ng barkada. Pinanood namin ang kanilang paglalaro. Sa kabilang dako ng court ay nakaupo mula kanan pakaliwa sina Mica, Jane, Zoey, Isa at Kylene. Kumaway si Zoey sa amin. Sinigaw ni Mica ang aking pangalan. Ngumiti kami ni Zandro at napailing na lang ang ilang mga lalaki sabay ngiti.

“Okay, promise this will just be between us?”

Alam ko ang tinutukoy ng tanong niya ngunit upang makasigurado ay tinanong ko siya,

“You’re talking about the girl?”

Kapansin pansing bigla yatang lumakas ang tibok ng aking puso, para bang sasabog ang aking dibdib. Sa puntong iyon ay napakalakas ng aking kutob. Hindi na kailangang sabihin pa ni Zandro kung sino ang babaeng nais niyang dalhin sa prom. Para bang napakalinaw na ng sagot para sa akin bago pa man niya banggitin. Gustong masigurado ng isip ko ang hinihinila ko pero sa bawat pintig ng aking puso, sumisigaw itong tumayo na ako at lumayo at huwag nang makipag-usap pa sa taong napapalapit na sa akin ngayon.

“Yup” tugon niya.

Kahit na ayaw ko na sanang marinig ay wala na akong magagawa, marapat ko nang tanggapin kaya’t sinagot ko siya

“Ok, Promise!”
“It’s that girl.”

Pasimple siyang tumuro sa mga kababaihan. Kahit malinaw para sa akin kung sino ang kanyang tinutukoy, tinanong ko pa rin na animo’y iba ang aking nakita.

“Si Isa?”

Lampas langit akong umaasa’t nagdarasal na sana’y sagutin na lang niya ng oo pero hindi ako pinakinggan, tama nga ang kutob ko.

“Nope. The one beside her, to the left”
Hirap man akong sabihin ay napilitan pa rin.

“Kylene?”

“Yeah.”

“I see…… So will you ask her to the prom?”

“We’ll see…”

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Gustuhin ko man siyang unahan ay wala na akong magagawa. Para itong isang “rule” na hindi pinag-uusapan sa pagitan ng mga lalake. Masaya rin naman ako dahil sa mga oras na iyon ay napatunayan kong may tiwala na siya sa akin. Sa mga oras na iyon ay masasabi kong magkaibigan nga kaming tunay. Kahit na may galit pa rin sa pagitan nila ni Joe ay hindi naman kinukwestyun ninuman sa kanilang dalawa ang pakikipagkaibigan ko sa kanila.

Lumipas ang mga araw. At sa bawat araw na dumarating ay wala akong pinalampas. Tinatanong ko parati si Zandro kung naaya niya na ba si Kylene at kung pumayag na ito. Araw-araw rin naman niya akong sinasagot na hindi niya pa natatanong. Minsan ay gusto kong maging masaya para sa aking kaibigan ngunit hindi ko rin naman maikakaila na nalulungkot ako dahil nakawala sa aking mga kamay ang isang opurtunidad na makasama ang nag-iisang taong gusto kong makasama sa ispesyal na gabing iyon.


Bagamat may mga pagkakataong gusto ko na lamang umiwas sa kanya, sumama sa poder ni Joe at magtayo ng mataas na dingding sa pagitan namin, nananaig pa rin ang pakikipagkaibigan ko sa kanya. Hindi ko maaaring basta na lamang itapon ang kung anumang meron kami para lang sa isang babae kahit pa nagsisimula ko nang isiping ang babaeng ito ang buong mundo ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home