Susubaybayang KA-I-BI-GAN
Munting serye hango sa talaarawan ni Ian Gabriel
II Ang Panliligàw
"Bakit hindi mo pa kasi totohanin pare?" ani Joe
Ngiti at iling lang ang isinagot ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ba ayaw ko pang ligawan si Jane. Isang babaeng pinapantasya ng bawat kalalakihan doon sa amin ngayon.
"Bakit ba? Obvious naman sa aming lahat that the girl likes you. And she's so damn beautiful..plus smart..and talented. You've seen her performance during our fiesta and man, two days lang siya nagpractice nun. Ano ka ba? Torpe?"
Lalong lumaki ang aking ngiti. Minsan ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kundi pagtawanan ang mga taong tulad ni Joe, tulad ng barkada at tulad ng bawat taong aking nakilala. Laging may pangalang ikinakabit sa akin ngunit sila rin naman ang nababalisa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagsosolo pa rin ako.
"Siguro crush mo pa rin si Zoey ano?"
"'tol, matagal nang wala yun."
Si Zoey. Isa siya sa aming kababata. Madungis ding tulad namin noon. Kilos lalake pati. Pero nang dumating kami sa punto ng mga pagbabago, hindi maitatanggi ang pag-aayos nito. Mahaba ag buhok, maputi at makinis ang balat, balingkinitan at matangkad, buhay at nagungusap ang bilugang mga mata. Seksi manamit. Pero sa likod ng lahat ng ito ay ganun pa rin ang pag-uugali niya. Walang nagbago sa Zoey na nakilala namin noong mga bata pa kami. Minsan tuloy iniisp ko, pisikal na anyo ba niya ang nagbago o ang mga paningin ko.
"Ano ka ba naman, hahayaan mo bang makagraduate tayo ng highschool nang hindi ka pa nagkakagirlfriend?"
"Tigilan mo na nga ako. Eh ikaw, sigurado ka bang sasagutin ka na ni Mica?"
"Hoy pare...sigurado na yun noh. Obvious namang type na type ako nun." sabay kindat pa niya
"Huwag mo lang paiiyakin yun. Patay ka sa akin."
"Opo! ikaw talaga...di ka talaga magkakasyota nyan eh. We're young. It's ok to get hurt. Di mo ba alam yun, it's better to have loved and get hurt than to have never loved at all.." Sinudan pa ito ng pang-asar niyang halakhak.
Tiningnan ko siya nang masama. Alam niyang hindi ako papayag na may babaeng masaktan. Pero hindi ko rin naman mapapayagang lumuha ang isa sa mga kabarakda ko. Ayaw ko lang talaga ng lokohan.
"Cool down. Di ko sasaktan si Mica. Flings lang naman yung iba kong girls dyan. Si Mica ang pangserious type."
Hindi pa ako nakasasagot ay tumunog na ang bell, hudyat ng simula ng aming klase. Naghiwalay na kami ni Joe ng landas. Papunta ako sa football field samantalang sa Science Lab naman ang punta niya. Hindi tulad ng aming inaasahan, hindi kami naging magkaklase sa huling taon sa hayskul.
Sa aking pagtakbo ay akin pa ring iniisip ang huling napag-usapan namin ni Joe. Flings. Kalat at tanggap na talaga ito sa kabataan. Pero hindi kaya may sakit pa ring nararamdaman sa oras ng hiwalayan? Hindi pa man ako tapos mag-isip-isip ay nagulantang ako sa pagsalubong ni Zandro, ang taong hindi namin inaasahang magiging kaklase namin ni Joe ngunit sa kamay ng kapalaran ay magiging malapit pa yata sa akin.
"Hey, I heard kayo na ni Jane."
Iling na naman ang aking tugon.
"What? She's perfect. Don't you like her?"
"hmm..I like her....as a friend."
"I think you're gay."
Nagulat ako sa komento niya. Alam kong biro lang ito pero hindi ito magandang biro para sa aming barkada.
"I was just joking. But you're crush ng bayan. Most of the girls in the neighborhood like you. Even the people we meet at public places like you at that instant. Bakit single ka pa rin?"
"What about you? In a relationship ka na ba?"
"Well at least I'm not as hot as you are and it's one excuse na I'm still single."
"Mas may itsura ka naman dun kay Mike ah."
"But we all know that you're the one who helped him court Angela.....and that's another reason people may suspect you're gay. Sa galing ng tactics mo sa panliligaw, kaya mong pasagutin ang kahit sinong babae dyan."
"Do you really think I'm gay?"
"Nah...I'm just saying that people may think that way. Anyway, you can tell me at least who's your crush so that I can defend you from anyone who might think of you that way."
Napangiti ako. Si Zoey, si Rica na isang bakasyunsta, si Lizzie na aming nakilala sa isang party, si Anne, si Rosy, si Jam.... at si Jane.
"I can't think of anyone. But I assure you you're safe with me." Ngiti.
"Well...I like someone."
"O? Sino?"
"Are you sure this will be just between the two of us?"
Naisip ko ang barkada. Hindi maaaring maging malapit kami ni Zandro. Hindi pa rin mapaglapit ang dalawa. Laging mahigit isang kilometro ang dapat na layo nila. Pero lagi namang safe sa akin ang isang sikreto, malapit man sa akin o hindi ang nagsabi nito.
Prrrrt.
Pito ni coach. Sumesenyales na ito na simula na ng aming warm-up.
"Sige." ani Zandro sabay takbo patungo sa coach at iba pa naming mga kaklase.
Dumiretso ako sa banyo upang magpalit ng damit. Iniisip ko pa rin kung sino nga ba. Dapat na nga bang simulan ko na ang panliligaw? Sino? Si Jane? Naalala ko tuloy ang kanyang mukha. Isang aura na napakaaliwalas. Mga singkit na mata, malaporselanang balat, kulay kapeng buhok na parang napakadulas, manipis na labing puno ng ngiti at ang kanyang mga ngipin ay kay puti at ganda tulad nang sa mga perlas. Madali siyang patawanin. Madali rin siyang kausapin. At tulad nga ng sabi ni Joe at ni Zandro, nasa kanya na ang lahat.